dzme1530.ph

PANGULONG MARCOS, NANGAKONG PALALAKASIN ANG AGRICULTURAL INFRASTRUCTURE SA BANSA

Loading

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-iinspeksyon sa Bicol Mega Cold Storage and Vegetable and Fruit Processing Facility sa Pili, Camarines Sur.

 

Kasabay nito ay nangako si Marcos na patuloy na palalakasin ang agricultural infrastructure sa bansa.

 

Kinilala rin ng Pangulo ang mga sakripisyo ng mga magsasaka upang matulungan ang Pilipinas na maabot ang food security at tiniyak na pakikinabangan nila ng husto ang mga proyekto ng gobyerno.

 

Sinabi ng Punong Ehekutibo na kapag walang cold storage, ang mga produkto, lalo na ang mga gulay at itlog, ay hindi tumatagal at kailangang maibenta agad dahil masisira.

 

Aniya, mag-oorganisa ang pamahalaan ng local group para mangasiwa ng pasilidad para sa kapakinabangan ng mga magsasaka.

 

Ang mega cold storage facility ay inaasahang pakikinabangan ng mahigit 200,000 na mga magsasaka at farmers cooperatives and associations sa Bicol Region, Visayas, at Mindanao.

About The Author