dzme1530.ph

DFA, TINIYAK NA WALANG PINOY NA NASUGATAN SA MGA INSIDENTE NG PAG-ATAKE KAMAKAILAN SA MIDDLE EAST

Loading

Mahigpit pa ring binabantayan ng Department of Foreign Affairs ang mga kaganapan sa Middle East, kasabay ng pagtitiyak na walang Pilipinong naiulat na nasugatan sa mga insidente kamakailan.

 

Ayon sa DFA, pinalawig ng mga awtoridad sa Iran ang pagsasara ng kanilang airspace para sa lahat ng flights sa loob ng 72 hours, mula March 22 hanggang 25.

 

Sinuspinde naman ng Iraqi Airways ang kanilang operasyon hanggang sa April 2.

 

Idinagdag ng ahensya na walang Pinoy na nasaktan sa walong pag-atake kung saan tinarget ang United States diplomatic and logistics facility sa Baghdad International Airport noong Linggo.

About The Author