![]()
Ipinatupad na ngayong araw ang 50 percent discount sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) upang mabawasan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay MRT-3 General Manager Michael Capati, mananatili ang diskwento “until further notice” alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Tiniyak naman ni Capati na bagama’t mababawasan ang kanilang kita, mananatili ang normal na operasyon dahil may government subsidy ang sistema.
Nangako rin ang opisyal na hindi maaapektuhan ang maintenance operations dahil hiwalay itong kontrata at may funding mechanism, kabilang ang suporta mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA).
Nagpakalat na rin ng dagdag na security personnel ang MRT-3 dahil sa pagdagsa ng mga pasahero.
Saklaw ng diskwento ang lahat ng pasahero, subalit nilinaw na wala nang dagdag pang diskwento para sa senior citizens, estudyante, at persons with disabilities.
