![]()
Umarangkada kaninang umaga ang nationwide transport holiday ng United Transport Consolidated Entities Nationwide.
Ayon kay Misael Melinas, national chairperson ng National Federation of Transport Cooperatives o NFTC, nagsama-sama ang mga lider mula sa iba’t ibang rehiyon upang isakatuparan ang transport holiday.
Sinabi ni Melinas na malalaking grupo ng transportasyon mula sa Cebu, Mindanao, Cavite, Bicol, at Pangasinan ang nakiisa sa transport holiday.
Bukod sa pabilisin ang pamamahagi ng ayuda, hiling din ng grupo na tulungan sila sa financial obligations sa mga bangko dahil sa loan sa modernized jeeps.
Nilinaw naman ni Melinas na hindi nila ginawa ang transport holiday upang paralisahin ang pampublikong transportasyon, sa halip ay nais lamang nilang iparating sa gobyerno ang kakulangan ng mga ahensya na dapat nangangalaga sa kanilang kapakanan.
Nagsimula ang transport holiday kaninang alas-kwatro ng madaling-araw at tatagal hanggang mamayang hatinggabi.
