![]()
Itinanggi ng Malacañang na dina-downplay nila ang impact sa bansa ng tensyon sa Middle East, partikular ang oil price shocks.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na ginagawa ng gobyerno ang lahat ng paraan upang mabawasan ang epekto ng kaguluhan.
Iginiit ni Castro na tinitiyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may sapat na suplay ng petrolyo, pagkain, at mga pangunahing bilihin ang bansa.
Katunayan, humahanap na anya ang gobyerno ng iba pang source ng petroleum products sa gitna ng oil price hikes.
