![]()
Sinalubong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga na-repatriate na Pinoy mula sa Middle East sa gitna ng nagaganap na tensyon.
Kabuuang 343 na Pilipino na binubuo ng 317 overseas Filipino workers at 26 na dependents ang naiuwi sa pamamagitan ng chartered plane.
Dumating ang mga Pinoy expatriates dakong 6:40 kaninang umaga sakay ang mga Pinoy na nanggaling sa Saudi Arabia, Kuwait, Qatar, at Bahrain.
Ito na ang ikaapat na government-arranged chartered flight kung saan kabuuang 1,420 na Pilipino na ang napauwi.
Ang mga OFW ay pagkakalooban ng financial aid, medical support, at reintegration services bilang pangangalaga sa kanilang kapakanan sa pagbabalik nila sa bansa.
