![]()
“BTS 2.0 is just getting started.”
Ito ang idineklara ni J-Hope sa grand return ng K-pop powerhouse sa music scene makalipas ang apat na taon.
Muling inangkin ng BTS ang stage bilang K-pop kings nang magtanghal sa Gwanghwamun Square sa central Seoul.
Sinimulan nina RM, Jin, Suga, J-Hope, Jimin, V, at Jungkook ang kanilang grand comeback stage sa makasaysayang lokasyon noong Sabado, isang araw matapos i-release ang kanilang studio album na “Arirang.”
Tinaya sa 260,000 fans mula sa South Korea at iba’t ibang bansa ang nagtipon-tipon para mapanood ang performance ng BTS bilang grupo matapos ang four-year hiatus.
Muling nabuo ang septet at tiniyak na handa na sila para sa next stage ng kanilang careers.
