dzme1530.ph

IMPEACHMENT NINA PBBM AT VP SARA, MALAKI ANG PAGKAKAIBA

Loading

Malaki ang disparity sa impeachment na kinaharap ni President Bongbong Marcos Jr. at ng kay Vice President Sara Duterte.

 

Yan ang sagot ni Committee on Justice Chairperson Gerville sa banat ng kampo ni VP Duterte na umiiral ang double standard sa komite.

 

Paliwanag ni Luistro, walang double standard subalit napakalaki ng disparity pagdating sa ebidensya.

 

Aniya, sa alegasyon sa Pangulo, hindi makita ang personal participation nito sa isyu ng korapsyon.

 

Depensa pa ni Luistro, sa simula pa lamang ng proseso ay consistent sila sa pagsunod sa rules.

 

Sa kaso ni Duterte, iba aniya—una sa video kung saan pinagbantaan nito ang Pangulo, Unang Ginang, at former Speaker.

 

Sa mga miyembro ng komite, “res ipsa loquitur” o “the thing speaks for itself.”

About The Author