dzme1530.ph

MAHIGIT 100K NA KASO NG TB, NAITALA SA METRO MANILA NOONG PEBRERO

Loading

Naitala ng Department of Health ang mahigit 100,000 kaso ng tuberculosis sa Metro Manila noong Pebrero.

 

Sa datos ng Epidemiology Bureau’s Integrated Tuberculosis Information System, umabot sa 101,807 ang TB cases sa Metro Manila hanggang noong February 16.

 

Kaya naman, pinaiigting ngayon ng DOH ang kampanya para sa early detection, prompt treatment, at prevention sa TB.

 

Kabilang sa mga sintomas ng sakit ang pagkakaroon ng ubo nang mahigit dalawang linggo, chest pain, lagnat, panghihina, pagpapawis sa gabi, at hindi maipaliwanag na pangangayayat.

 

Pinapayuhan ng DOH ang mga nakararanas ng ganitong mga sintomas na agad magpakonsulta kasabay ng pagdiriin na libre ang gamutan sa TB.

About The Author