![]()
Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko na pairalin ang bayanihan sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa tensyon sa Middle East.
Sinabi ni Marcos na sa panahong nahaharap sa matinding pagsubok ang bansa, dapat pairalin ng lahat ang pagtutulungan at pagmamalasakit.
Nanawagan din siya sa mga Pinoy para sa responsableng pagbabahagi ng mga impormasyon at iwasan ang pagkakalat ng fake news.
Tiniyak ng Pangulo na nauunawaan niya ang hirap ng publiko lalo na ng mga nasa transport sector kaya naman palalawakin ang pamamahagi ng subsidiya at cash assistance.
Nangako ang punong ehekutibo na hindi magpapabaya ang pamahalaan at patuloy na babalangkas ng mga hakbangin upang matugunan ang pangangailangan ng lahat.
