dzme1530.ph

GASTOS SA BARMM ELECTIONS, POSIBLENG LUMOBO NG 25% DAHIL SA PAGSIRIT NG PRESYO NG PRODUKTONG PETROLYO

Loading

Posibleng tumaas ng hanggang 25% ang gastos ng Commission on Elections (COMELEC) para sa unang regular elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), bunsod ng pagsipa ng presyo ng oil products.

 

Ipinaliwanag ni COMELEC Chairperson George Garcia na tataas ang gastos dahil ang mga ballot machines at iba pang kagamitan ay kailangang i-transport sa pamamagitan ng karagatan, na mas mahal kumpara sa loob ng Metro Manila.

 

Idinagdag ni Garcia na sa Agosto ay dapat naka-deploy na ang lahat ng gagamitin para sa BARMM elections sa Setyembre.

 

Gayunman, kapag tumaas aniya ng 20 hanggang 25% ang gastos sa logistics at supply, kukulangin ang budget ng COMELEC.

 

Idinagdag ng poll chief na plano rin nilang i-imprenta ang mga balota simula sa Hunyo hanggang Hulyo.

 

Kapwa inaprubahan na ng Senado at Kamara ang bill na nag-uurong sa petsa ng BARMM elections sa third and final reading.

About The Author