![]()
Mahigit 200,000 public utility vehicle (PUV) drivers sa National Capital Region (NCR) ang makatatanggap ng cash relief assistance (CRA) mula sa pamahalaan ngayong linggo para makaagapay sa tumataas na presyo ng petrolyo.
Sinabi ni DSWD spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao na matatanggap naman ng PUV drivers sa labas ng NCR ang kanilang CRA pagkatapos ng Mahal na Araw.
Itinakda ang payout ng P5,000 CRA sa NCR bukas, March 24 para sa TNVS drivers; Miyerkules, March 25 para sa jeepney drivers; March 26 at 27 para sa delivery service drivers; at March 28 para sa motorcycle taxi riders.
Kabuuang 214,635 beneficiaries ang inaasahang makikinabang sa naturang payout sa Metro Manila.
Ngayong araw iaanunsyo ng DSWD ang mga pagdarausan ng payout.
