![]()
Inanunsyo naman ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) at Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) na ipinagpaliban nila ang kanilang transport strike na dapat sana ay ngayong Lunes.
Sa halip, makikipagpulong ang mga grupo sa Department of Transportation (DOTr) at sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at sa iba pang transport groups.
Ito ay para talakayin ang fare increases, kasabay nang pamamahagi ng ahensya ng ayuda sa mga jeepney, UV Express, at transportation network vehicle service (TNVS) drivers.
Sa pagtaya ng industry sources, madaragdagan ng P16.50 hanggang P17.50 per liter ang kada litro ng diesel habang P7.50 hanggang P8.50 sa gasolina, ngayong linggo.
