![]()
Binuweltahan ni Negros Occidental 3rd Dist Rep. Javi Benitez ang Sugar Regulatory Administration sa pagpapakalat ng baseless at irresponsible information.
Mariing pinabulaanan ni Benitez ang online information na ang ginawang congressional hearing ang nag-trigger para bumagsak ang presyo ng asukal.
Ayon sa mambabatas, malaking kasinungalingan ito dahil ang tunay na dahilan ay ang “overimportation at policy decisions” ng SRA at hindi ang legislative oversight.
Tahasan niyang itinuro ang SRA na siyang pinagmulan ng maling online information, at sila rin ang nag-uutos ng pag-aangkat.
Aniya, nakabatay ang presyo ng asukal sa supply and demand at hindi sa hearing.
Aniya, SRA ang nag-uutos kung ilan at kailan puwedeng mag-angkat, at ang maling timing ang nagpabagsak sa farm-gate prices ng asukal.
