![]()
Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development na magpapatuloy ang distribusyon nila ng financial assistance sa mga tricycle driver ngayong araw na ito kahit regular holiday.
Sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na hindi kailangang mangamba ang mga driver dahil continuous payout sila sa Quezon City.
Mayroon din anyang payouts sa Marikina, Parañaque at Caloocan.
Kasabay nito, hinimok ni Gatchalian ang mga tricycle drivers na agad ireport sa kanilang Facebook page kung may hihiling ng processing fee sa pagtanggap ng cash aid.
