dzme1530.ph

PAGTAAS NG BASE FARES PARA SA TNVS, WELCOME SA TRANSPORT GROUPS

Loading

Ikinatuwa ng transport community groups ang desisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na itaas ang base fares para sa transport network vehicle service (TNVS) sa gitna ng pagsirit ng presyo ng petrolyo.

 

Tinawag ng grupo ang hakbang na kinakailangang relief para sa transport professionals na nakikipagbuno sa tumataas na presyo ng krudo at gastos sa operasyon.

 

Inihayag ng TNVS sector na simula noong 2019 ay hindi nagbago ang TNVS fare structure, sa kabila ng oil price hikes, bago pa man sumiklab ang kaguluhan sa Middle East.

 

Sa ilalim ng fare adjustments na itinakda ng LTFRB, madaragdagan ng 20 pesos ang TNVS base fare habang ang pick-up fare per kilometer ay tumaas ng 15 pesos.

 

Dahil dito, ang bagong base fare ay magiging 65 pesos mula 45 pesos para sa sedans; 75 pesos mula 55 pesos para sa AUVs; 55 pesos mula 35 pesos para sa hatchbacks; at 165 pesos mula 145 pesos para sa premium TNVS.

About The Author