![]()
Labis ang tuwa ng actress-dancer na si AC Bonifacio matapos siyang i-follow back ng BTS member na si Jungkook sa TikTok.
Ibinahagi ni AC sa X (dating Twitter) ang screenshots mula sa social media platform at inihayag ang kanyang kasiyahan.
Inamin din ng kapamilya actress na bias niya si Jungkook simula pa noong 2017.
Si AC ay naging bahagi ng first season ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition,” at sila ng kanyang ka-partner na Kapuso star na si Ashley Ortega ang unang na-evict sa Bahay ni Kuya.
Samantala, nakatakda namang i-release ng BTS ang kanilang first group album simula noong 2022 na “Arirang” sa March 20.
