dzme1530.ph

PILIPINAS, WALANG KAKAYAHANG MAG-ESCORT NG MGA BARKO SA STRAIT OF HORMUZ, AYON SA NATIONAL DEFENSE CHIEF

Loading

Inamin ng Department of National Defense (DND) na walang kakayahan ang Pilipinas na tumugon sa panawagan ni US President Donald Trump sa mga kaalyado ng Estados Unidos na tumulong sa pag-secure ng Strait of Hormuz.

Para kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., moot and academic ang panawagan ni Trump dahil wala namang kakayahan ang Pilipinas na mag-escort ng mga barko sa mahalagang waterway na isinara ng Iran.

Gayunman, sinabi ni Teodoro na tutulungan pa rin ang Pilipinas, lalo na sa pagpapahupa ng gulo, dahil nalalagyan sa panganib ang mga Filipino seafarers at OFWs.

Binatikos ng US President ang malamig na tugon ng malalaking bansa sa apela na magpadala ng warships para eskortahan ang tankers sa Strait of Hormuz, kung saan dumadaan ang 20 percent ng global crude oil.

About The Author