dzme1530.ph

DATING DPWH ENGINEER ROBERTO BERNARDO, TUMANGGAP NG 130 MILLION PESOS NA BALATO MULA KAY ZALDY CO

Loading

Inamin ni dating DPWH undersecretary Roberto Bernardo, sa kanyang pagtestigo sa Sandiganbayan, na binigyan siya ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co ng “balato” na 130 million na tinawag niyang “token of gratitude.”

Ito ang unang testimonya ni Bernardo bilang state witness, nang iprisinta siya bilang isa sa mga testigo ng prosekusyon sa Sandiganbayan Sixth Division.

Nahaharap sa naturang dibisyon ang 16 na indibidwal, kabilang ang mga dating opisyal ng DPWH at si Co, sa malversation charges kaugnay ng umano’y substandard na flood control project sa Oriental Mindoro.

Isiniwalat ni Bernardo sa anti-graft court na binigyan siya ni Co ng 100 million na balato simula 2023 hanggang 2025 na ipinadaan kay dating DPWH First District Bulacan engineer Henry Alcantara, at panibagong 30 million simula 2023 hanggang 2025 na idinaan naman kay dating DPWH 4B regional director Gerald Pacanan.

Nang tanungin ni Sandiganbayan Associate Justice Kevin Vivero kung kailan natatanggap ni Bernardo ang pera, sinabi ng dating DPWH official na tuwing ikatlong quarter ng taon.

About The Author