dzme1530.ph

ALAMIN ANG MGA TAONG MAY HIGHEST RISK SA HEART DISEASE AT ANO ANG DAPAT GAWIN

Loading

Sa pag-aaral ng Field Health Service Information System at Philippine Statistics Authority, pangunahin pa ring sanhi ng pagkamatay sa bansa ay ang sakit sa puso.

 

Ang coronary artery disease ang pinaka-karaniwang uri ng sakit sa puso kung saan nababarahan ng cholesterol ang mga ugat na nagdadala ng dugo sa puso.

 

Sinu-sino nga ba ang may highest risk na magkaroon ng heart disease? 

 

Ayon sa Department of Health, ang mga obese o overweight, smokers at madalas na alcohol consumers ang kadalasang may panganib sa sakit sa puso.

 

Gayundin ang mga mayroong diabetes, hypertension, at high cholesterol levels.

 

Samantala, kinumpirma ng DOH na maaaring magamit ang ‘yaman ng kalusugan’ o yakap program sa libreng screening gaya ng ECG, fasting blood sugar, at monitoring ng cholesterol.

 

Hinihikayat naman ang publiko na magkaroon ng heart-healthy diet, regular na ehersisyo 30 hanggang 60 minutes. at pagtigil sa paninigarilyo.

About The Author