![]()
Iminungkahi ni Senate President Vicente Tito Sotto III na i-livestream ang mga pagtalakay ng Bicameral Conference Committee kaugnay sa Anti-Political Dynasty Bills.
Sinabi ni Sotto na interesado ang taumbayan sa usapin kaya’t dapat makita nila ang takbo ng proseso hanggang sa bicam level.
Inaprubahan na ng dalawang kapulungan sa committee level ang mga panukala na nagbabawal sa political dynasty.
Sa senado, nasa period of interpretation na ang panukala.
Nilinaw naman ni Sotto na pabor siya sa anti-political dynasty subalit kailangang maging malinaw ang lahat ng butas sa batas.
