![]()
Nananatiling positibo si Public Works Secretary Vince Dizon na hindi made-delay ang construction ng major infrastructure projects dulot ng big-time oil price hikes bunsod ng tensyon sa Middle East.
Sinabi ni Dizon na maaaring i-invoke ang variation at price escalation kung tataas ang halaga ng construction materials.
Inihayag naman ni Transportation Secretary Giovanni Lopez, na kasamang nag-inspeksyon ni Dizon sa Skyway 3 segment sa maynila, na nailatag na ang mga probisyon sa mga umiiral na infrastructure project contracts.
Aniya, itinuturing na valid ground for variation ang krisis at ang price escalation ay valid ground para sa additional payment.
