![]()
Sinimulan na ng mga senador ang debate sa Senate Resolution 307 na nagsusulong ng proteksyon sa lahat ng mga Pinoy laban sa extraordinary rendition o ang paglilipat sa isang Pilipino sa ibang hurisdiksyon nang walang proseso.
Natapat ang pagtalakay sa anibersaryo ng pagkakakulong kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.
Sa interpelasyon, iminungkahi ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na baguhin ang ilang salitang ginamit sa resolusyon.
Tinukoy ni Lacson ang salitang extraordinary rendition na ginamit, aniya, sa probisyon sa Anti-Terrorism Act na tumutukoy sa terorista.
Ipinaliwanag ni Lacson na ang extraordinary rendition ay mistulang pagkidnap sa isang indibidwal upang isailalim sa interrogation sa ibang hurisdiksyon nang hindi dumaan sa normal na judicial process sa bansa.
Inirekomenda naman ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na gamitin na lamang ang salitang extrajudicial rendition.
