![]()
Isinasayos na ng gobyerno ang charter flights para sa mga iuuwing mga Pinoy sa gitna ng tension sa Middle East.
Tiniyak ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos na rin, aniya, lumuwag na ang sitwasyon.
Sinabi ng Pangulo na mayroon na ring naunang tatlong flight mula sa Dubai na isinayos ng gobyerno para sa mga Pinoy.
Sa ngayon, dalawang flights ang isinasayos: ang isa ay sa Riyadh para sa mga Pinoy na nasa Saudi, Kuwait, at Bahrain; ang isa naman ay sa Fujairah sa UAE para sa mga Dubai OFWs.
Bukod dito, may inaasikaso na rin, aniya, na land border crossing mula sa UAE at mula sa Israel.
Magpapadala rin siya ng mga tauhan mula sa Department of National Defense at Civil Aviation Authority of the Philippines sa mga flight na ito.
