dzme1530.ph

ALAMIN ANG KAHALAGAHAN NG ORAL HYGIENE LABAN SA PERIODONTAL DISEASE

Loading

Ang periodontal health o pangangalaga sa gilagid ay hindi lamang para sa kagandahan ng ngiti dahil ito ay may direktang koneksyon sa mga serious condition.

Ipinaliwang ni Dr. Camille Furlan, ang sakit sa gilagid ay isang progresibong kondisyon.

Nagsisimula ito bilang gingivitis, gaya ng pamumula, pamamaga, at pagdurugo ng gilagid, at maaari itong lumala sa periodontitis na nagdudulot ng pagkakalagas ng ngipin.

Inirerekomenda ang regular na dental check-up, pagsisipilyo dalawang beses sa isang araw, at paggamit ng floss.

Mahalagang magkaroon ng balanseng diyeta at pag-iwas sa paninigarilyo upang maiwasan ang panganib ng impeksyon sa bibig.

About The Author