dzme1530.ph

OMBUDSMAN, HIHIRIT NG WRITS PARA MAISAILALIM SA KUSTODIYA NG KORTE ANG PROPERTIES NINA DATING SEN. REVILLA AT SARAH DISCAYA

Loading

Hihirit ang Office of the Ombudsman ng writs of preliminary attachment upang ilagay ang properties ni dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. at contractor na si Sarah Discaya sa ilalim ng kustodiya ng mga korteng dumidinig sa kanilang mga kaso.

Una nang nakapag-secure ang Ombudsman ng writ of preliminary attachment mula sa Sandiganbayan kaugnay ng mahigit 200 million pesos na halaga ng properties ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.

Paliwanag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla, kailangang ma-freeze ang mga property upang mayroong hawak ang gobyerno.

Sina Revilla at Discaya ay nahaharap sa mga kasong graft at malversation bunsod ng maanomalyaing flood control projects.

About The Author