![]()
Naghain ang actress-beauty queen na si Michelle Dee ng National Bureau of Investigation (NBI) perjury complaint sa National Bureau of Investigation (NBI) laban sa dating driver at personal assistant (PA) ng kanyang kaibigan na si Rhian Ramos.
Sinabi ni Michelle na mayroong significant inconsistency sa pagitan ng dalawang statements ni Alyas “Totoy.”
Sa affidavit na isinumite ng driver bilang tugon sa naunang qualified theft complaint na isinampa ni Michelle, inamin umano ni Alyas Totoy na ninakaw niya ang angpao na sinasabing naglalaman ng mga sensitibong larawan.
Gayunman, sa kanyang sworn statement na isinumite sa NBI, itinanggi naman ng driver ang alegasyon.
Noong Enero, sinampahan ng reklamong physical assault ni Alyas Totoy sina Michelle, Rhian, at isa pa nilang kaibigan na beauty queen na si Samantha Panlilio.
