![]()
Pinabulaanan ni National Unity Party (NUP) Chairman, Deputy Speaker Ronaldo Puno, ang media report kaugnay sa meeting diumano nila kay Speaker Faustino Bojie Dy III o kay Majority Floor Leader Sandro Marcos.
Sa isang pahayag sinabi ni Puno na hindi nakikipag-usap ang NUP sa sino mang House leaders kaugnay sa impeachment, proyekto, o ano pa mang bagay na kaugnay nito.
Nilinaw din nito na wala silang plano o balak na makipag-usap.
Kung ano man aniya ang tinatahak na posisyon ng NUP hinggil sa isyu ng impeachment ni Vice President Sara Duterte, ay nabubuo lamang matapos mag-usap usap ang mga kasapi ng partido, at maingat na evaluate sa ebidensiyang inilalatag.
Paglilinaw pa ni Puno, hindi ito resulta ng ano mang impluwensya o pressure galing sa sino man.
