dzme1530.ph

MGA MAPAGSAMANTALANG NEGOSYANTE, DAPAT PANAGUTIN NG GOBYERNO

Loading

Dapat papanagutin ng gobyerno ang mga negosyanteng sangkot sa hoarding at profiteering upang proteksyunan ang kapakanan ng mamamayan sa gitna ng kaguluhan sa Middle East.

Sinabi ni Sen. Chiz Escudero na hindi dapat payagan ng pamahalaan na samantalahin ng sinuman ang sitwasyon at dagdagan pa ang hirap ng taumbayan.

Hinikayat ng senador ang Department of Energy at Department of Trade and Industry na paigtingin pa ang kanilang monitoring at enforcement.

Kailangan aniya ng pakikipagtulungan sa law enforcement agencies tulad ng Philippine National Police at National Bureau of Investigation upang mahuli at mapanagot ang mga mapagsamantala.

Ipinaalala ni Escudero na ang hoarding ng produktong petrolyo at profiteering ay maituturing na economic sabotage kaya’t dapat managot ang sinumang sangkot dito.

About The Author