![]()
Welcomed kay Leyte Rep. Martin Romualdez ang pag-apruba ng Ways and Means panel sa substitute bill na nag-o-otorisa kay PBBM na suspindihin o bawasan ang fuel excise taxes.
Ayon kay Romualdez, sa pamamagitan nito ay may flexibility na ang Pangulo na tumugon kapag may oil crisis at nagiging magalaw ang presyo sa merkado.
Tiwala ito na malaking relief sa taumbayan ang pagtugon ng komite ni Cong. Miro Quimbo, lalo na ngayon na soaring ang fuel prices.
Sa version ni Romualdez o ang HB No. 5779 nito, permanente nang tatanggalin ang excise taxes sa oil products, ngunit kanya namang nauunawaan ang gobyerno na umaasa sa bilyong pondo na nakukuha sa excise tax para sa vital social services.
Umapela na rin si Romualdez sa mga oil players na maging makatotohanan sa pagdedeklara ng kanilang inventories na nakapagbayad na ng excise levies.
