![]()
MAAARING magsagawa ng special session ang Senado at Kamara upang talakayin ang panukalang emergency powers sa Pangulo sa pagsupinde o pagbaba ng excise tax sa produktong petrolyo
Ito, ayon kay Senate President Vicente Tito Sotto III ay kung hindi nila maipasa ang panukala hanggang sa susunod na linggo o bago ang Lenten break.
Sinabi ni Sotto na sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, may pangangailangan na para pagkalooban ng naturang poder ang pangulo para maibsan ang dagdag pahirap sa publiko ng patuloy na pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo dulot ng tensyon sa Middle East.
Una rito, tiniyak ni Sotto na agarang aaksyon ang senado sa sandaling maisumite sa kanila ang panukalang emergency power at ipapaaral ito sa Senate Committees on Ways and Means, Finance at Energy.
Sisikapin anya ng Senado na maaprubahan ang panukala hanggang sa susunod na linggo bago magbreak ang sesyon.
