dzme1530.ph

PANUKALANG PAGBUWAG SA OMB, INAPRUBAHAN NA NG SENADO SA FINAL READING

Loading

Inaprubahan na ng Senado sa 3rd and final reading ang panukalang bubuwag sa Optical Media Board o OMB.
 
Alinsunod sa inaprubahang Senate Bill 1654, ililipat ang mga kapangyarihan, responsibilidad, at personnel ng OMB sa Intellectual Property Office of the Philippines.
 
Pinabubuwag na ng mga senador ang OMB dahil hindi na ito kailangan o obsolete na.
 
Itinatag ang OMB ng Optical Media Act of 2003 o Republic Act 9239 para labanan ang talamak na piracy ng mga pelikula at musika gamit noon ang mga CD at DVD, na ngayon ay naglaho na at napalitan na ng digital streaming.
 
Sina Senators Jinggoy Estrada, Sherwin Gatchalian, at Robin Padilla ang nanguna sa pagsusulong ng panukala.
 
Sinabi ni Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Finance, na sa halip na panatilihin ang OMB na hindi na umaayon sa kasalukuyang panahon, mas mainam na maglaan ng pondo sa mga ahensyang may kakayahang tumugon sa mga hamon ngayon ng mga bagong teknolohiya at digital economy.

About The Author