dzme1530.ph

SEXBOMB GIRLS, NI-RESCHEDULE ANG KANILANG SHOWS SA UAE SA GITNA NG TUMITINDING TENSYON SA MIDDLE EAST

Loading

Nilinaw ng leader ng SexBomb Girls na si Rochelle Pangilinan na ipo-postpone lamang nila ang kanilang show sa United Arab Emirates sa huling bahagi ng Marso.

 

Ipinaliwanag ni Rochelle na nagpasya ang kanilang grupo na magtakda ng bagong petsa para sa kanilang shows sa Middle East dahil sa nangyayaring kaguluhan.

 

Orihinal na itinakda ang pagbisita ng girl group sa kanilang fans sa Dubai sa March 27 habang sa March 28 sa Abu Dhabi.

 

Sa kanyang Instagram, binigyang diin ni Rochelle na hindi cancel ang kanilang shows kundi pause lang at tiyak, aniya, na mas bongga ang balik at mas ready.

 

Masaya ring inanunsyo ng SexBomb Girls na lilipad sila patungong Mindanao, partikular sa Cagayan de Oro, para sa show sa March 28.

About The Author