![]()
Napadalahan na ng “notice to respondent” ng House Committee on Justice si Vice President Sara Duterte.
Ang notice na may petsang March 4, 2026 at pirmado ni Congw. Gertville Luistro bilang chairperson ng komite ay naka-address sa Office of the Vice President sa Cybergate Plaza, Mandaluyong City.
Sa dokumento, inaatasan si VP Duterte na magsumite ng verified answer sa loob ng hindi lalagpas sa ten (10) calendar days mula sa pagtanggap ng notice.
Covered din ng 10 calendar days ang pag serve sa kopya ng Verified Answer sa complainants batay sa sinasaad ng Sec. 6 ng Rules of Impeachment.
Binanggit din sa sulat na ang kabiguan na mag file ng Verified Answer sa loob ng itinakdang araw ay nangangahulugan na wini-waive nito ang kanyang karapatan, at ituturing bilang general denial sa lahat ng alegasyon na nakapaloob sa 2 impeachment raps.
Sa record, natanggap ng OVP ang dokumento kaninang 10:44 A.M ng March 5, 2026.
