![]()
Nagpasalamat ang House Leader kay Pres. Ferdinand Marcos Jr. ng pirmahan nito para ganap na maging batas ang extension work ng Second Congressional Commission on Education o EDCOM II.
Ayon kay House Speaker Faustino Bojie Dy III, ang pagpirma ng Pangulo sa Republic Act No. 12315 ay patunay sa shared commit-ment ng Kongreso at Marcos administration na ituloy ang long-term reforms sa education sector.
Salig sa bagong batas, may dalawang taon muli ang EDCOM II para sa mas malawak na research, consultations at oversight para sa education reforms.
Para kay Dy hindi ito simpleng extension, kundi isang malinaw na mensahe na ang mga repormang sinimulan ay kailangang tapusin at tiyaking may pangmatagalang epekto sa mga mag-aaral, guro at pamilya.
Matatandaan na ngayong 2026 General Appropriation Act, pinag-kalooban ng Kongreso ang education sector ng 1.3 trillion pesos budget, ang pinaka malaki sa kasaysayan ng edukasyon sa bansa.
