![]()
Plano ng prosecutors na iprisinta si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo bilang witness laban sa mga opisyal ng DPWH-Mimaropa na nahaharap sa paglilitis sa Sandiganbayan dahil sa umano’y maanomalyang road dike project sa Oriental Mindoro.
Si Bernardo ay state witness sa flood control projects scam cases at saklaw ng Witness Protection Program (WPP).
Sa ikalawang araw ng trial para sa malversation ng siyam na opisyal sa 6th Division ng anti-graft court, sinabi ng prosecutors na ipiprisinta nila si Bernardo sa ikatlong linggo ng Marso, kasama si DPWH-Mimaropa OIC Regional Director Editha Babaran.
Si Babaran ang pumalit kay dating Regional Chief Gerald Pacanan na isa sa mga akusado sa kaso.
