![]()
Ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong Kamuning Footbridge and Busway Station na idinisenyo bilang seamless, intermodal access facility para sa safety at accessibility ng mga commuter.
Bago ang inspeksyon sa istasyon, inakyat muna ng Pangulo ang hagdan sa NIA-Southroad-Scout Borromeo Footbridge, na tinaguriang “Mt. Kamuning,” kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos at kanilang anak na si William Vincent o Vinny.
Sinabi ni Pangulong Marcos na gigibain din ang Mt. Kamuning kalaunan.
Kasunod ng inspeksyon noong Hunyo ng nakaraang taon, inatasan ng Pangulo ang Department of Transportation (DOTr) na palitan ang istruktura ng mas ligtas at commuter-friendly design, alinsunod sa universal accessibility standards.
