dzme1530.ph

RAMIL MADRIAGA, ITINULAD KINA ARTURO LASCAÑAS AT EDGAR MATOBATO

Loading

Ikinumpara ni House Senior Deputy Minority Leader Leila De Lima ng mamamayang liberal, si Ramil Madriaga kina Arturo Lascanas at Edgar Matobato na kapwa pangunahing testigo sa ICC laban kay Ex-President Rodrigo Duterte.

 

Ayon kay De Lima kung susuriin ang salaysay ni Madriaga, parehas siya kina Lascanas at Matobato na pawang “insider” na nakaka-alam sa ina-akusang paglabag ni VP Sara sa paggamit ng confidential funds.

 

Nagtataka ang mambabatas dahil mula sa dating ayaw sagutin na alegasyon, ngayon naman ay sinampahan pa ng kaso mismo ni VP.

 

Maituturing aniya na kinakabahan ang kampo ni VP Sara sa mga ilalantad na katotohanan ni Madriaga mula sa paglustay ng milyon-milyong confidential funds, kagaya rin nga pagsiswalat nina Lascanas at Matobato sa EJK sa Davao City. 

About The Author