dzme1530.ph

PANANAHIMIK NG MGA CIVIL SOCIETY GROUPS AT IBA SEKTOR SA CASH DELIVERIES NG MGA TAO NI DATING CONG. ZALDY CO, KINUWESTYON NI VP SARA

Loading

Kinuwestyon ni Vice President Sara Duterte ang pananahimik ng civil society groups, religious leaders at mga mambabatas sa sinasabing cash deliveries ng 18 dating sundalo batay sa atas ni dating Cong. Zaldy Co.

 

Sinabi ng bise presidente na hindi dapat selective ang galit sa isyu ng korapsyon.

 

Pinuna rin niya ang tila kawalan ng interes o agarang hakbang ng administrasyon na busisiin ang alegasyon ng pagdedeliber ng bilyon-bilyong pisong suhol kaugnay sa flood control ng International Criminal Court at ng impeachment efforts laban sa kanya.

 

Ipinaalala pa ni VP Sara na ang pera ng bayan ay hindi dapat inilalagay sa maleta, at ang katotohanan ay hindi dapat inilalagay sa katahimikan.

About The Author