![]()
Naghahanda na ang Department of Transportation (DOTr) para sa posibleng fuel subsidy matapos sumirit ang presyo ng langis sa gitna ng kaguluhan sa Middle East.
Sinabi ni DOTr acting Secretary Giovanni Lopez na inatasan na niya ang road sector ng ahensya na simulan na ang pagpo-proseso nang sa gayon, kapag umabot sa 80 dollars per barrel ang presyo ng langis ay agad nilang ipatutupad ang 2.5-billion peso fuel subsidy.
Idinagdag ni Lopez na nire-review ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang nakabinbing fare hike petition ng iba’t ibang transport groups. | via Lea Soriano-Rivera
