![]()
Ipinahiwatig ni US President Donald Trump na posibleng abutin pang apat na linggo ang labanan sa Iran.
Sa ulat ng British newspaper na Daily Mail, sinabi ni Trump na sa mga ganitong sitwasyon, at sa malaking bansa, palaging mayroong four-week process.
Inihayag ng US President na nananatili siyang bukas para sa karagdagang diskusyon sa mga Iranian, subalit wala siyang binanggit na mangyayari ito kaagad.
Aniya, nais ng iran na makipag-usap ngayong linggo subalit sinopla niya ito sa pagsasabing dapat ay noong nakaraang linggo sila nag-usap.
