![]()
Nakatakdang lumagda ang Pilipinas, sa pamamagitan ng Department of Finance (DFA), ng 25 Official Development Assistance (ODA) agreements sa iba’t ibang bansa.
Ayon kay Finance Secretary Frederick Go, 10 ODA loans ay mula sa Japan, sampu rin mula sa Korea, habang lima mula sa France, na may kabuuang halaga na 10.3 billion dollars.
Sa hiwalay na datos mula sa DOF, ang 10 pipeline odas na nagkakahalaga ng 2.29 billion dollars ay target malagdaan sa loob ng Japan Fiscal Year 2026, na magtatapos sa March 2027.
Ang sampung ODAs na nagkakahalaga naman ng 6.2 billion dollars at limang loans na 1.83 billion dollars ay inaasahang malalagdaan din ngayong taon.
