dzme1530.ph

INTERNATIONAL COOPERATION PARA MASAWATA ANG SMUGGLING NG ILLEGAL TOBACCO, IMINUNGKAHI

Loading

HINIKAYAT ni Senador Sherwin Gatchalian ang Bureau of Immigration (BI) na paigtingin pa ang international cooperation upang tugisin at mahuli ang mga kriminal na gumagamit ng mga backdoor exits para maipuslit sa bansa ang mga illegal tobacco at vape products.

 

Binanggit ng senador ang dumaraming ulat ng mga iligal na sigarilyo na naipupuslit sa bansa na kanya na ring pinapasiyasat.

 

Binigyang-diin ng mambabatas na napakahalaga ng koordinasyon sa international community tulad ng naging karanasan ng bansa sa pagtugis  kay Guo Hua Ping o Alice Guo na matapos tumakas ay naaresto ng Interpol at naibalik sa bansa dahil sa pakikipagtulungan sa mga otoridad ng Indonesia.

 

Sinabi pa ni Gatchalian na maging sina Atty. Harry Roque, dating Cong. Arnulfo Teves at maging ang negosyanteng si Atong Ang ay pinaniniwalaang nakaiwas mula sa pag-aresto sa pamamagitan ng pagtakas gamit ang backdoor exits.

 

Idinagdag pa ng mambabatas na ang mga immigration offices ay mahalagang pinagmumulan ng mga impormasyon at dapat na gawin ng pamahalaan ay palakasin ang koordinasyon at information sharing.

About The Author