dzme1530.ph

MICHELLE DEE, HIHIRIT NG INTERPOL RED NOTICE LABAN KAY XIAN GAZA

Loading

Hihirit ang kampo ng beauty queen-actress na si Michelle Dee ng International Criminal Police Organization (INTERPOL) red notice, kung kinakailangan.

 

Ito ay kapag naglabas ang korte ng arrest warrant laban sa social media personality na si Christian “Xian” Gaza kaugnay ng cyber libel complaint.

 

Ginawa ni Atty. Maggie Garduque, counsel ni Dee, ang pahayag, nang humarap ito sa National Bureau of Investigation (NBI) Cyber Crime Division, para ihain ang supplemental affidavit sa cyber libel complaint ng aktres na isinampa nito kamakailan laban kay Gaza.

 

Sinabi ni Garduque, na kung totoong nasa labas ng bansa si Gaza, maaari itong arestuhin kapag naisyuhan na ito ng warrant, sa pamamagitan ng interpol red notice.

 

Una nang napaulat na naninirahan sa Thailand ang social media personality dahil sa negosyo.

 

Kinasuhan ni Michelle si Gaza at ilan pang mga indibidwal na nasa likod ng Facebook pages na umano’y nagpapakalat ng maling impormasyon laban sa kanya.

About The Author