dzme1530.ph

SOFIA TRAZONA, NAG-AALALA SA KANYANG MOMMY IZZY SA GITNA NG MGA BATIKOS LABAN KAY ALVIN ARAGON

Loading

Inamin ni Sofia Trazona na nag-aalala siya para sa kanyang mommy na si former Sexbomb Girl Izzy Trazona.

 

Sa gitna ito ng mga batikos sa pamamagitan ng online sa mister ni Izzy na si Alvin Aragon, dahil sa mga pahayag nito kamakailan.

 

Sa isang panayam, sinabi ni Sofia na nasasaktan siya para sa kanyang ina, at hindi para kay Alvin.

 

Si Sofia ay anak ni Izzy sa dati nitong partner na si Michael Navarro.

 

Inamin din ni Sofia nagalit siya nang punahin ni Alvin ang kanyang relasyon sa kanyang biological father at nang banggitin nito ang ibang celebrities, gaya nina K Brosas, Ian Veneracion, at Gloc-9, na pawang may mga anak na miyembro ng LGBTQ+.

 

Idinagdag ng drag artist na hindi dapat pinakikialaman ni Alvin ang relasyon nila ng kanyang ama, maging ang relasyon ng ibang mga artista sa kanilang LGBTQ children.

About The Author