![]()
Kasado na ang isasagawang EDSA 40 rally sa EDSA Shrine na may temang “Tuloy ang Laban sa Korapsyon at Kahirapan! Lahat ng Sangkot Dapat Managot!”.
Magsisimula ito mamayang ala una hanggang alas kwatro ng hapon.
Sa pagtaya ng grupong ‘Taumbayan Ayaw sa Magnanakaw at Abusado Network Alliance’ (TAMA NA), aabot sa 25,000 katao ang inaasahang dadalo sa pagtitipon.
Iba’t-ibang sektor ang inaasahang lalahok sa pagtitipon partikular sa grupo ng ang mga kabataan, magsasaka, mangingisda, professionals, at mga kinatawan mula sa religious at faith-based communities.
Kabilang naman sa mga magsasalita sa programa si Martial Law Veteran Sister Mary John Mananzan ng Movement Against Tyranny, gayundin sina Reps. Leila de Lima ng ML Partylist at Antonio Tinio ng Act Teachers.
