dzme1530.ph

PAGPAPASINAYA SA LEGISLATIVE MUSEUM SA BATASAN COMPLEX, PINANGUNAHAN NI HOUSE SPEAKER DY

Loading

Pinangunahan ni House Speaker Faustino Bojie Dy III ang pagpapasinaya sa Legislative Museum sa loob ng Batasan Complex.

 

Ang museum na nasa ikatlong palapag ng Legislative Library, Archives and Museum Building, ay ginawa para ma-preserve ang Legislative Heritage at historical records ng pagbabago sa lawmaking na simbolo ng serbisyo at nagbibigay ng educational at cultural program sa general public.

 

Ang museum ay may walong (8) galleries na nagpapakita ng chronicle ng legislative journey ng mga Pilipino, proseso sa pagbabalangkas ng batas, at timeline ng lahat ng naging speakers at overview ng kani-kanilang pamumuno.

 

Kasama rin sa nagpasinaya si Congressional Spouses Foundation Inc. Chairperson Mary Ann Dy, Davao Oriental 1st Dist. Rep. Maria Carmen Zamora, at House Secretary General Atty. Cheloy Valicaria-Garafil.

About The Author