dzme1530.ph

MULING PAG-ANIB NG PILIPINAS SA ICC, NAPAPANAHON NA

Loading

Nanindigan si Congw. Leila de Lima ng Mamamayang Liberal na ngayon ang tamang pagkakataon para umanib muli ang Pilipinas sa International Criminal Court o ICC.

 

Sa interpelasyon sa plenary, sinabi ni de Lima na ang ICC ay maasahan sa panahon na nagkakaroon ng “tyrant” o malupit na pinuno ang bansa kagaya ni former President Rodrigo Duterte.

 

Inamin ng dating Justice Secretary at Chairperson ng Commission on Human Rights na matagal na siyang umaapila sa Marcos Jr. administration na bumalik ang Pilipinas sa ICC.

 

Giit nito, ang ICC ang tanging “international mechanism” na maasahan kapag nagiging inutil ang “domestic mechanism” sa pagpapanagot.

 

Punto pa nito, dahil sa pagkalas ng Duterte Administration sa ICC, paano na lamang kung sa hinaharap ay may panibagong malupit na pinuno ang Pilipinas at gumawa ng kasuklam-suklam na krimen katulad ng malawakang pagpatay.

 

Samantala, sa magkahiwalay na hakbang, kapwa nagsumite ng resolusyon ang Makabayan Bloc at Akbayan Reform Bloc na kapwa umaapila para umanib muli ang Pilipinas sa ICC.

About The Author