dzme1530.ph

VP SARA DUTERTE AT ATTY CLAIRE CASTRO, NAGPALITAN NG BANAT SA ISA’T ISA

Loading

Nagpalitan ng batikos sa isa’t isa sina Vice President Sara Duterte ay Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro. 

 

Sinabi ni VP Sara na nagdadala lamang ng kahihiyan sa bansa si Castro kaya’t hindi na siya dapat pinapakinggan at pinapansin. 

 

Ito ay matapos pagdudahan ni Castro ang pahayag ni VP Sara na hindi na siya lalapit sa mga kaalyadong senador dahil ginigipit ng administrasyon ang mga sumusuporta sa kanya.

 

Sinabi naman ni Castro na ang pagsasabi ng katotohanan ay hindi nakakahiya. 

 

Ang nakakahiya anya ay ang madalas na ginagawa ng kampo ng Bise Presidente na nagsisinungaling at gumagawa ng mga kwento.

 

Patutsada pa ni Castro na mas nakakahiyang maging anak ng itinuring na most corrupt ng organized crime and corruption reporting project na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

About The Author