![]()
Pumanaw na ang veteran actress na si Vangie Labalan sa edad na 83.
Ang pagpanaw ng aktres ay inanunsyo ng kanyang anak na si Carlo sa pamamagitan ng Facebook.
Sinabi ni Carlo na binawian ng buhay ang kanyang ina sa Australia dahil sa sakit, matapos ma-admit sa ospital.
Nagdiwang si Vangie ng kanyang 83rd birthday nito lamang January 20.
Huling napanood ang veteran actress sa primetime series na “FPJ’s Batang Quiapo.”
